Tiniyak ng Department of Education (DepEd) City Schools Division Office (SDO) ng Cabuyao sa publiko na walang data breach kasunod ng mga ulat ng umano’y leak sa sistema nito.
Sinabi ng SDO Cabuyao sa isang pahayag na naabisuhan ito sa pamamagitan ng email ng posibleng data leak ng Computer Emergency Response Team (CERT-PH).
Matapos ang naging pagsusuri, sinabi ng pamunuan na lahat ng datos ay nananatiling naka intact.
Tinukoy din ng DepEd na ang mga cybersecurity measures nito ay naging “epektibo” sa pagprotekta sa network at sensitibong impormasyon nito.
Idinagdag pa nito na ang mga security assessments at pag-update ng security ay nakakatulong sa kanila na mapanatili ang integridad at pagiging kumpidensyal ng mga datos.
Bukod dito, isang ulat ang kumalat online na nagbubunyag na “diumano” 750 gigabytes ng data ang nasira sa isa sa mga tanggapan ng DepEd.
Gayunpaman, tiniyak ng DepEd-Cabuyao na patuloy nilang susubaybayan ang kanilang mga sistema upang matiyak ang isang ligtas na kapaligiran para sa kanilang organisasyon at mga stakeholder.