-- Advertisements --

NAGA CITY- Umaasa ngayon ang Regional Director ng (DEPED)-Bicol na mapipili muli sa Top 10 Global Teachers Prize Award ang natatanging pinoy teacher mula sa Camarines Sur.

Una ng nakapasok sa Top 50 Global Teachers Prize Award sa buong mundo si Wendell Alvarez mula sa Caramoan Camarines Sur na isang guro sa Alternative Learning System.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Regional Director Dr. Gilbert Sadsad ng DEPED-Bicol sinabi nito na proud umano ito dahil sa sa halos 1,200 na mga guro sa buong mundo ay pangatlo si Alvarez sa mga kwalipikado sa naturang award mula sa Pilipinas.

Ayon kay Sadsad, kada linggo ay inilalabas ang mga pangalan ng kwalipikado sa nasabing award.

Sa ngayon una na umanong nakapasok sa Top 10 ang guro mula sa South Korea kung saan siyam pa dito ang inaasahan namang i-aanunyso sa mga susunod na linggo.