DepEd-7, kumpiyansang handa na ang rehiyon sa full face-to-face classes; Shifting ng klase, maaaring ipatupad kung hindi alisin ang 1.5 meter distance sa bawat mag-aaral
Sa kabila ng maraming hamon at krisis na kinakaharap, nananatili pa ring matatag ang Department of Education (DepEd).
Ito ang inihayag ni DepEd-7 Regional Director Dr. Salustiano Jimenez at kumpiyansa naman itong handa na ang Central Visayas sa pagpapatupad ng full face-to-face classes sa Nobyembre.
Ito’y matapos na naipatupad na ng mga paaralan sa rehiyon ang 92% limited face-to face classes sa pagtatapos ng school year 2021-2022
Sinabi pa ni Jimenez na target nila ang 100% na pagsisimula sa limited face to face para sa school year 2022-2023 na aniya ay isa pa umanong ‘indication transition’ para sa full face to face classes.
Tanging inaalala umano ng opisyal ay ang mga pribadong paaralan dahil 35% pa lang sa mga ito ang nagpatupad ng limited face to face.
Samantala, kung hindi alisin ang 1.5-metrong distansya bawat mag-aaral, magkakaroon pa umano ng problema at mangangailangan sila ng karagdagang classrooms kaya maaaring ipatupad nila ang shifting ng klase.









