-- Advertisements --

Plano ng Department of Transportation (DOTr) na makumpleto ang feasibility study para ma-upgrade ang Pasig River ferry system at mapalawig ang gamit nito bilang alternatibong transportasyon sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista na sa ilalim ng kaniyang liderato ipraprayoridad ng ahensiya ang rehabilitasyon ng ferry system na isang reliable at ligtas na ferry service na dumadaan sa pitong lungsod ng Metro Manila.

Saad pa ng kalihim na ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang nagsasagawa ng feasibility study para sa upgrade ng naturang ferry system na ngayon ay nasa pre-investment stage.

Tutukuyin sa feasibility study kung paano makakayanan ng Pasig River ferry system ang nakatakdang pagtatag ng P95 billion na Pasig River Expressway (PAREX).

Sinabi din ni Bautista na posibleng kakailanganin ng gobyerno na i-tap ang Norway na expert pagdating sa maritime maintenance.

Batay sa records, ang Pasig River ferry system ay nagseserbisyo sa mahigit 400 pasahero kada araw sa 7 siyudad mula Manila hnaggang Marikina City