Mas pinalawig ng Inter-Agency Council for traffic at Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay-pansin sa buhay, pagpapanatili ng seguridad, at pagpapakita ng katapatan. Gayundin ang pakikiisa ng iba’t-ibang sektor at bukod tanging pamumuno at serbisyo ng mga lokal na pamahalaan at katuwang na mga pribadong institusyon.
Bilang kaagapay ng bawat Pilipinong road-users, malaki ang naging papel ng Task Force sa pangangalaga sa seguridad at kaligtasan ng lahat bago pa man dumating ang pandemya.
Naging saksi naman ang iba’t-ibang sektor sa round o’ clock na kahandaan ng I-ACT na magbigay ng serbisyo publiko sa lansangan araw man o gabi. Mula sa simpleng pagtulong sa mga pasahero hanggang sa pagsagip ng nag-aagaw-buhay na road-user, napakaraming kwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon ang natutunghayan ng ating mga mananakay mula sa I-ACT.
Kaya ngayong taon, mas bibigyang pansin ng Task Force ang kabayanihan ng mga tauhan nito at walang sawang pagtulong ng mga ahensyang naging kabahagi nito sa kanyang paglago at pangangalaga sa ating mga kababayan










