-- Advertisements --
DTI23

Umaasa ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) na agad maisasakatuparan ang plano ng Thailand na expansion ng kanilang operasyon dito sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ayon kay Pascual, nagpahayag daw ng pagnanais ang ilang firms sa Thailand sa plano nilang expansion ng kanilang operasyon dito sa Pilipinas.

Kabilang sa mga kumpanya doon na nais palawakin pa ang operasyon nila dito sa Pilipinas ang construction, agriculture, retail at renewable energy.

Aniya ang naturang mga kumpanya raw na kanilang nakapulong ay mayroon nang existing na operasyon dito sa Pilipinas kaya naman inihayag daw ng mga kumpanyang ito ang kanilang plano sa hinaharap.

Pero hindi na idinitalye pa ni Pascual ang expansion plans dahil pribado umano ang naturang mga kumpanya at kanilang mga kilos ay proprietary.

Sa biyahe nga ng delegasyon ng Pilipinas sa Bangkok, Thailand na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinimok ng bansa ang Thai firms gaya ng CP Group na mayroon ng presensiya sa sa Pilipinas na makibahagi sa public-private partnership (PPP) projects.

Mayroon din umanong Thai firms na tinitignan ang posibleng investments sa connectivity sa Pilipinas.

Dagdag ni Pascual, tinatrabaho na rin daw ng Pilipinas ang Free Trade Agreement (FTA) sa basang South Korea na target mapirmahan sa unang quarter ng 2023.

Sa naturang mga meeting, hinimok din ng Pangulong Marcos ang Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC economies na tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng rehiyon lalo na sa service sector.