-- Advertisements --
image 94

Ibinahagi ng Dept of Trade and Industry (DTI) sa naganap na pagpupulong ng Department of Agriculture-business ang role ng gobyerno sa pagpapadali ng pagreregister ng mga entrepreneurs para magkaroon ng papel ang kanilang mga negosyo.

Ayon kay DTI Senior Specialist Kenneth Fernandez, may mga hakbang umano na ginawa ang gobyerno na dapat na sundin upang mapadali at maging legal ukol sa pagreregister ng mga negosyo sa ating bansa.

Dagdag pa niya, ang technology and innovation sa ilalim ng Support for Entreprenuers ay nakatutulong para ma-upgrade ang mga kinakailangang kagamitan sa kung anuman ang negosyo na papasukin sa tulong ng gobyerno at ng Department of Trade and Industry.

Una rito, nagpaalala naman ang kanilang ahensya na kinakailangang kumpleto ang mga dokumento sa pagreregister ng nais na negosyo upang maiwasan ang anumang maaaring mangyaring aberya.

Napansin kasi na mula ng magpademya ay marami na rin ang nagbukas ng negosyo lalo na sa pamamagitan ng online business. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)