-- Advertisements --
Tiwala ang Department of Tourism (DOT) na mas makakatulong sa industriya ng turismo ang pagpapaluwag ng pagsuot ng facemask sa mga outdoor setting.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, na base sa kanilang mga datos na nakalap na ang pagpapaluwag ng pagsusuot ng face mask sa panlabas ay nakakatulong sa pagbangon ng ekonomiya.
Ang pakonti-konti umanong pagtanggal ng mask mandate ay magbabangon ng ekonomiya ng bansa at makabawi ang turismo ng Pilipinas sa ASEAN region.
Magugunitang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Executive Order 3 na nagpapayag sa boluntaryong pagsuot na lamang ng face masks sa mga open spaces at mga non-crowded outdoor areas na mayroong magandang ventilations.