-- Advertisements --
Ipapaubaya na lamang kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr kung papalitan o pananatilihin ang slogan ng Department of Tourism (DOT) na “It’s More fun in the Philippines”.
Sinabi ni incoming Tourism Secretary Cristina Frasco, na kanilang kinikilala ang proposal ng ilan na panatilihin na lamang ang nasabing slogan.
Dagdag pa nito na interesado aniya si Marcos na ma-improve ang turismo sa bansa.
Dagdag pa nito na para makabawi ang turismo mula sa COVID-19 ay dapat gumastos ang gobyerno sa mga imprastraktura.