Aalamin daw ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang rason kung bakit hindi pa nakakapagsumite ng kanilang courtesy resignation ang natitirang 11 senior police officials.
Ito ay ilang linggo matapos hilingin ng pamahalaan na maghain ang mga colonels at mga generals ng kanilang resignation dahil umano sa pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drugs.
Maigi umanong alamin ito para malaman kung kaduda-duda ba ang habang ng mga police offcers o hindi.
Sa ngayon, patuloy pa rin naman daw na hinihintay ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ang courtesy resignations ng walong colonels at tatlong brigadier generals bago magtapos ang target dealine sa Enero 31.
Una nang sinabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na as of Enero 20, mayroon nang 942 sa 953 senior police officials ang nagsumite ng kanilang courtesy resignations.
Samantala, ang mga bubuo naman daw sa 5-man committee na mag-a-assess at mag-i-screen sa courtesy resignations ay iaanunsiyo na rin sa lalong madaling panahon.