Muling nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi tiyak na mabibigyan ng educational cash assistance ang lahat ng mga estudyanteng nag-apply online at nakatanggap ng text confirmation.
Paliwanag ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na dumadaan pa sa assessment ng kanilang social workers ang lahat ng mga nagrehistro online at depende din ito sa availability ng pondo.
Kayat hindi aniya awtomatikong makakatanggap ng educational aid ang mga nakapagrehistro online at nakatanggap ng text confirmation.
Mula sa kabuuang P1.5 billion na pondo para sa naturang assistance, nasa P941.46 million na ang naipamahagi sa 375,485 indigent and in crisis students.
Ayon pa sa DSWD spokesperson na kapag matapos at maubos na ang pondo ay posibleng mamamahagi muli ng educational assitance sa susunod na school year.
Una ng umapela ang DSWD sa House of Representatives na tumulong sa ahensiya para maipagpatuloy ang distribusyon ng one -time educational cash aid.
Humingi din ng pag-unawa ang DSWD official sa mga hindi napasama sa inisyal na pamamahagi ng eduactional assistance at tiniyak na sa mga susunod na araw, magpapamahagi ang congressional district pagkatapos ng huling educational payout sa Setyembre 24.
Maalala na noonh Setyembre 10, isinara na ng DSWD ang online registration para sa educational aid para sa mga mahihirap na mga-aaral matapos na umabot sa 2 million na ang nakapagrehistro.