-- Advertisements --

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency na umano’y nag-aalok ng hindi lehitimong trabaho sa ibang bansa.

Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Cacdac, nadiskubre na ang isang lokal na tanggapan sa Quezon city ng kompaniyang Legal Connect Travel Consultancy, o kilala din bilang Legal Connect Travel Services na nakabase sa Dubai ay nag-ooperate mang walang DMW license at nag-aalok ng bogus na trabaho sa Italy at Malta para sa mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Inakusahan din ng DMW official ang naturang kompaniya ng sangkot sa illegal recruitment at iligal na pagkolekta ng fees.

Ayon sa DMW, humaharap ang mga opisyal at kawani ng kompaniya ng seryosong mga kaso ng illegal recruitment na may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang aabot sa P2 million hanggang P5 million.

Hinimok naman ng ahensiya ang mga nabiktima ng naturang kom[paniya na i-report ang kanilang kaso.