Nakatakda umanong i-repatriate ng Department of Migrant Workers (DMW) ang humigit-kumulang 500 overseas Filipino workers (OFW) na nananatili sa mga shelter sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ang hakbang ay kasunod ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at ng nasabing bansa.
Sinabi ni Department of Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac na karamihan sa mga ito ay nasa household service.
Aniya, ito ngayon ang nagbigay ng malaking pag-alala kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople.
Bumisita si Ople at iba pang mga opisyal ng Department of Migrant Workers sa Saudi Arabia kamakailan at nakipagkasundo sa gobyerno doon na magsagawa ng mga hakbang “upang mapadali ang disente at produktibong trabaho ng mga OFW at matiyak ang proteksyon ng kanilang mga karapatan.”
Sinabi ni Cacdac na iniutos ni Ople sa mga shelter sa Pilipinas na pagbutihin ang kanilang mga pasilidad, pasuplay ng gamot, at pagkain, at pangasiwaan ang pagpapauwi ng mga OFW.
Napag-alaman na nakatakdang alisin ng gobyerno ng Pilipinas ang Saudi deployment ban sa Nobyembre 7 kung matapos na ang pagkumpleto ng bilateral discussions sa Saudi Arabia.