-- Advertisements --

Department of Migrant Workers, ikinokonsidera ang pag-blacklist ng mga problematic recruitment agencies sa Kuwait (loop: dmw / ranara / toots ople / bbm)

Ikinokonsidera raw ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pag-blacklist sa mga problematic recruitment agencies sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng overseas Filipino worker na sa Jullebee Ranara.

Ayon may Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, nakatakda na raw nilang pag-usapan ang kahinaan ng bilateral labor agreement sa Kuwait kasama ang kanilang mga counterparts.

Pero wala pa namang eksaktong petsa para sa pagpupulong.

Sinabi ng kalihim ng Department of Migrant Workers na marami raw silang dapat pag-usapan gaya ng reporting mechanisms, tracking ng mga welfare cases at ang posibleng whitelisting at blacklisting ng mga recruitment agencies na sa ngayon ay ipinatutupad ng bansa sa Saudi Arabia.

Nakahanda naman daw ang Department of Migrant Workers na i-explore ang lahat ng mga posibilidad.

Nag-isyu na rin ang Department of Migrant Workers ng order para sa preventive suspension laban sa employer ni Ranara.

Kung maalala, noong Enero 22, natagpuan ang sunog na katawan ni Ranara sa gitna ng disyerto sa naturang bansa.

Umamin naman ang 17-anyos na suspek na anak ng amo ni Ranara na ginahasa niya si Ranara at nabuntis.

Lumabas din sa mga report na pinagmalupitan ang biktima at dalawang beses pang sinagasaan ng suspek na sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad.

Kahapon naman nang sabihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nais nitong malaman ang “weaknesses” sa labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Sinabi nitong nakatakda na rin ang isang bilateral meeting sa Kuwait para makita ang kasalukuyang kasunduan ng dalawang bansa.

Umaasa ang Pangulong Marcos na hindi na mauulit ang naturang insidente.