-- Advertisements --
dole

Kumambiyo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magkomento kung may inaasahang wage hike sa susunod na taon.

Paliwanag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na na kasalukuyang nagsasagawa ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) ng kanilang hiwalay na pag-aaral kung magpapatupad ng taas-sahod o hindi.

Isa dito ay ang nakatakdang pagdinig ng RTWPB sa National Capital Region (NCR) sa nakabinbing wage petition noong nakalipas na linggo.

Binigyang diin din ng Labor chief na kailangang maging maingat sa pagsasagawa ng desisyon at hindi dapat na madaliin dahil maaapektuhan nito partikular na ang malaking bilang ng maliliit na negosyo sa ating bansa.

Saad pa ni Laguesma na ang desisyon sa nasabing apela ay magmumula sa RTWPB at saka ipapasa sa National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Ayon naman kay NWPC executive director Criselda Sy, tanging ang NCR wage board pa lamang ang nakatanggap ng formal petition para sa wage adjustment.

Ngayon lamang din Disyembre natanggap ng mga manggagawa mula sa apat na rehiyon ang ikalawang bugso ng salary hike na iginawad ng kani-knaiyang RTWPBs ngayong taon.

Sa ilalim ng isinasagawang pag-aaral ng existing wage rates, kaialngan na ikonsidera ang maraming factors kabilang ang panuntunan na nagbabawal sa pag-isyu ng wage adjustment sa loob ng isang period na isang taon maliban kung mayroong supervening condition.

Una rito, ngayong taon nasa 16 na Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang nag-isyu ng wage orders na naggagawad sa minimum wage earners pay hikes na pumapalo sa P30 hanggang P110 habang nasa P500 hanggang P2,500 salary adjustments naman para sa domestic helpers sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.