-- Advertisements --
cropped POGO gambling casino 7

Sinimulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpaplano para sa posibleng intervention o tulong para sa mga manggagawa ng Philippine offshore gaming operations (POGOs) na nanganganib na mawalan ng trabaho sa gitna ng nakaambang total ban ng POGO sa bansa.

Sinabi ni DOLE Undersecretary for Workers Welfare and Protection Cluster lawyer Benjo Santos Benavidez, kanilang sisiguraduhing lahat ng mga manggagawa anuman ang kanilang nasyonalidad ay kanilang isasaalang-alang.

Sa mga lisensyadong Philippine Amusement and Gaming Corp.-licensed (Pagcor) POGOs at service providers, nasa kabuuang 23,118 Pilipino ang empleyado sa POGO kung saan nasa 11,776 dito ang direct hired at 11,342 ang indirectly-hired.

Nasa 17,130 foreign nationals naman ang empelyado ng Association of Service Providers and POGOs (ASPAP).

Karamihan aniya sa nag-o-operate ng POGO sa bansa ay nasa National Capital Region (NCR).

Binigyang diin naman ni Benavidez na ang mga mawawalan ng trabaho sa ilalim ng labor code ay dapat na mabigyan ng naangkop na separation pay ara matulungan sila sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan hanggang sa sila ay magkaroon ng bagong trabaho.

Mayroon din aniyang unemployment insurance ang DOLE gaya ng ibinigay sa kasagsagan ng pndemiya sa mga nawalan ng trabaho.

Tiniyak din ng DOLE na kanilang tutulungan ang mga maapektihang manggagawa ng POGO na makahanap ng bagong trabaho.