-- Advertisements --
pastor apollo quiboloy
Pastor Apollo Quiboloy (FB photo)

Wala pang hawak na impormasyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa sanctions na ipinataw laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ngayon ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla inaantay pa ang magiging aksiyon dito ang naturang kagawaran.

Nakatakda pa lamang aniyang makatanggap ng extradition request ang DOJ mula sa US.

Saad pa ng Justice Sec na kailangan pang maghain ng kaukulang kaso at marahil ay inuna nila ang pag-freeze sa mga assets ni Quiboloy.

Sa kabila nito, nakaantabay naman ang DOJ sa development ng nasabing isyu.

Nangako din si remulla na tatalima sila sa Philippine-US extradition treaty.

Magugunita na noong nakalipas na linggo, pinatawan ang Kingdom of Jesus christ founder ng sanctions kabilang ang 40 iba pa at entities mula sa 9 na bansa na sangkot sa korupsiyon at paglabag sa karapatang pantao.

Sa panig naman ni Quiboloy, sinabi ng abogado nito na ang nalabag ang karapatan ng kaniyang kliyente para sa due process at presumption of innocence dahil ipinataw ang sanctions bago ang nakatakdang pagdinig para sa mga kinakaharap nitong mga kaso sa susunod na taon.

Una ng idiniit ng US prosecutors si Quiboloy noong November 2021 kaugnay sa sex trafficking , fraud at cash smuggling charges.

Kabilang din si Quiboloy sa most wanted list ng US Federal Bureau of investigation noong Pebrero ng kasalukuyang taon.