-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na walang tumatarget sa suspendidong si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag kaugnay sa pagpaslang sa radio commentator na si Percy Lapid at ng nasawing middleman.
Sa isang statement, sinabi din ng DOJ na walang sinuman ang may kagustuhan na maituro ng ebidensiya si Bantag.
Wala aniyang ibang motibo kundi ilabas ang katotohanan at realidad kung saan nanindigan ang Justice Department na kanilang gagawin ito sa pamamagitan ng legal na proseso at due process para sa lahat ng sangkot sa naturang kaso.
Hindi din titigil ang ahensiya na isilbi ang hustisya sa pamilya ng mga biktima sa naturang kaso.
Sa kabila nito, hindi naman nabanggit ng DOJ kung ang naturang pahayag ay tugon sa umano’y paghamon ni Bantag kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bumaba na ito sa pwesto bilang head ng department.
Kung maaalala, bago pa man mangyari ang pagpatay kay Lapid, sinabi ng DOJ na may matatg at magandang ugnayan suna Remulla at Bantag kung saan magkatuwang na tinalakay ng dalawang opisyal ang mga reporma, operasyon at pagpapalaya sa mga inmates.
Si Justice Secretary Remulla din ang sumuporta at nag-insist na manatili si Bantag sa kaniyang posisyon bilang BuCor chief sa ilalim ng bagong administrasyon nang magpasa ito ng courtesy resignation sa Marcos administration.