Ano mang oras ay isasapubliko na raw ng Department of Justice (DoJ) ang pangalan ng mga bangkay ng inmate na namatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakukuha ng mga kaanak ng mga namatay na bilanggo.
Ang naturang mga bangkay ay kasalukuyan pa ring nasa Eastern Funeral Homes.
Sinabi ni DoJ Sec. Jesus Crispin Remulla na sa hawak na raw niya ang listahan ng mga inmate na namatay at nananatili sa naturang funeral homes.
Magbibigay daw ito ng instructions sa kanyang staff bago tumulak sa Geneva, Switzerland ngayong araw para dumalo sa UN Human Rights Council’s periodic review.
Sa ngayon, nasa 176 na bangkay ng mga inmate ang nasa Eastern Funeral Homes, ang nag-iisang accredited funeral home ng Bureau of Corrections sa Muntinlupa City sa Alabang mula pa noong December 2021.
Susubukan din umno nilang kumontak sa kaanak ng pamilya ng mga namatay na inmates.
Una rito, sinabi ni Remulla na siyam daw sa mga hindi nakuhang bangkay ang iniling na kayat mayroon na lamang naiwan na 167.
Ililipat daw ito sa University of the Philippines College of Medicine.
Sinabi rin ni Remulla na bibisita raw ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun sa naturang establishment kasama ang DoJ staff para i-check ang status ng mga bangkay.
Para naman kay Remulla, “irregular” daw na maraming mga bangkay ang nanggaling lamang sa isang piitan.