
Nagpasalamat ang Department of Justice (DoJ) sa National Telecommunications Commission (NTC) sa paglalabas ng implementing rules and regulations (IRR) ng Mandatory SIM Card Registration Law.
Tiwala si DoJ Spokesperson Mico Clavano na makatutulong nang malaki ang implementasyon ng batas upang mapigilan ang online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa.
Alinsunod sa IRR ng batas, kailangang irehistro ng subscribers ang kanilang SIM card para hindi ito ma-deactivate.
Ayon kay Clavano, ginagamit ang prepaid SIM cards ng perpertrators ng OSAEC crimes para makapag-recruit o makapambiktima.
Sinabi ni Clavano na bagamat walang opisyal na pag-aaral na nagpapakita na ang Pilipinas ang nangunguna sa mundo sa OSAEC ay masasabing pinaka hotspot ang bansa ng nasabing krimen dahil sa dami ng mga kaso at reklamo na natatanggap ng Pilipinas.










