-- Advertisements --

Muling aapela ang Department of Justice (DOJ) sa naging ruling ng Manila Regional Trial Court.

Ito ay kasunod ng pag-basura ng Manila RTC Branch 19 sa petisyon ng DOJ para sa proscription na inihain noong 2018 para ideklarang terrorist group ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang military arm nito na New People’s Army (NPA) base sa Section 17 ng Republic Act 9372 o ang Human Security Act og 2007.

Sa 135 pahinang desisyon ng korte, ipinaliwang ng korte na hindi aniya naorganisa ang CPP-NPA para sa terorismo.

Ito ay hiwalay pa mula sa kaso na inihain sa Court of Appelas na humahawak sa kaparehong kaso salig sa ilalim ng bagong batas na Anti-Terrorism Act of 2020.

Kinuwesttyon naman ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagbasura ng korte sa proscription case laban sa rebeldeng grupo kayat maghahain aniya sila ng motion for reconsideration.

Giniit pa ni Remulla na maaga pa para magbigay ito ng hatol sa pagbasura ng Manila RTC sa argumento na ang rebellion ay isang uri ng terorismo.

Sa inihaing proscription case ng DOJ, layon nito na makakuha ng clearance para magsagawa ng wiretapping, freezing at mabusisi ang bank accounts o anumang assets , records maging ang properties ng CPP-NPA leaders at mga miyembro nito.