-- Advertisements --
image 304

Nagbabala ngayon ang Department of Information and Communication Technology (DICT) sa “new Friendster”na posibleng gamitin sa phising activities.

Karaniwang ginagawa ang phishing sa pamamagitan ng email, mga ad o sa pamamagitan ng mga site na kamukha ng mga site na ginagamit mo na.

Sa advisory, sinabi ng Department of Information and Communications Technology-National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT) na base sa initial investigation lumalabas na ang IP address na nagho-host sa bagong Friendster ay naiulat na noon kaugnay ng phishing maging ng hacking at host exploitations.

Dahil dito, malaki raw ang posibilidad na ang naturang website at nagagamit sa phishing.

Kung maalala, lumalabas sa ilang advertisement sa Facebook page na bumalik na ang Friendster at libo-libo na ang nag-sign up para maibalik ang social network.

Dagdag ng DICT-NCERT, ang naturang website ay gumagamit ng WordPress para sa kanilang main service na hindi naman ginagamit sa social networking platforms dahil ito ay isang content management system.

Sinabi ng ahensiya na ang iprinovide na link sa post ay gumagamit ng “non-popular top-level domain (.click).

Ang sinasabing bagong Friendster website ay hindi rin gumamit ng “About Us” page.

Sinabi ng DICT-NCERT na puwede itong makapag-provide ng impormasyon kung sino ang nag-develop sa naturang website.

Pinayuhan naman ng ahensiya ang publiko na gawin ang mga sumusunod na aksiyon kapag nakita ang naturang post:

Huwag i-click ang mga suspicious links para maiwasan ang future potential threats.

Huwag mag-register sa ganitong mga website dahil posibleng makompromiso ang inyong mga data