Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ipinauubaya pa rin nila sa mga estudyante ang implementasyon ng COVID-19 protocols sa loob ng kanilang mga eskwelahan.
Ginawa ng DOH ang pagliinaw matapos na ianunsiyo na rin ng DepEd na pumapayag na rin sila na voluntary na lamang ang paggamit din ng face masks sa loob ng classrooms.
Paliwanag pa ng DOH kung susunod naman ang DepEd sa naturang patakaran na hindi na mandatory ang pagsusuot ng facemask, ito naman ay nakaploob din sa naunang inilabas na Office of the President Executive Order Nos. 3 and 7, na magiging optional na lamang ang pagsusunot ng face masks sa mga indoors at outdoors sa ilang mga “health settings.”
Para naman sa DepEd, susunod sila order ng Malacañang para sa pagluluwag sa mask mandate.
Gayunman patuloy pa rin ang paalala ng DOH sa publiko na ang tinatawag na multiple layers sa protection tulad ng pagsusuot ng face masks, good ventilation at pagbabakuna ay mainam at epektibo pa rin sa laban sa COVID-19.
Sinabi rin naman ng unang abiso ng Malacañang na ang paggamit ng face masks ay mananatiling mandatory sa mga healthcare facilities, medical transport vehicles at sa lahat ng uri ng public transportation.
Hinikayat din naman ang mask wearing para sa mga may edad na, mga individuals na may comorbidities, immunocompromised persons, pregnant women, unvaccinated individuals, at mga mga nakakanas ng COVID-19 symptoms.