Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa mga manufacturer ng new generation Covid-19 vaccines target ang Omicron variant.
Ayon kay DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire na inaasikaso na ng kagawaran ang ilang kinakailangang requirements gaya ng non-disclosure agreement at term sheets para sa procurement ng naturang bakuna.
Subalit ayon kay Vergeire na ang shipments ng nasabing bakuna ay inaasahang darating sa bansa sa unang quarter ng taong 2023 dahil kailangan pang i-evaluate ng local health authorities.
Base sa latest sequencing run, nakapag-detect ng 436 bagong kaso ng omicron subvariants sa bansa. Nasa 425 dito ay BA.5 subvariants na ikinokonsidera ng Philippine Genome Center na posibleng major contributor sa surge ng infections sa nakalipas na mga buwan.
Magugunita na una ng inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na ikinokonsidera ng pamahalaan ang pagbili ng mga bakunang target ang Omicron variant at maging ang subvariants nito.
Ang United Kingdom ang unang bansa na nag-apruba sa Moderna covid-19 Omicron-targeted vaccine.