-- Advertisements --
doh 1

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 113 bagong kaso ng coronavirus habang ang average na pang-araw-araw na kaso ay bumagsak din sa 128 mula sa 157 na naitala noong isang linggo.

Ang Pilipinas ay may kasalukuyang 895 na bagong kaso ng COVID-19 mula February 13-19 na pinakamababang bilang ng lingguhang kaso sa loob ng 36 na linggo.

Ito ang pinakamababang bilang ng lingguhang kaso mula noong linggo ng Hunyo 6 hanggang 12 ng taong kasalukuyan na kung saan nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,655 na kaso ng naturang sakit.

Ito rin ang unang linggo na may kaso na mababa sa 1,000 mula noong March 16-22 noong taong 2020 kung kailan nakapagtala ang Department of Health ng 240 na kaso.

Dagdag dito, ang bilang ng mga kaso na naitala noong nakaraang linggo ay 19 na porsiyentong mas mababa kaysa noong nakaraang linggo.

Kaugnay niyan, iniulat ng departamento ang 74 na pagkamatay na naitala noong nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan mayroon nang 9,198 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas, batay sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH).