Nagpaalala ngayon ang Department of Health (DoH) sa mga mamamasyal sa Manila Bay Dolomite Beach kaugnay ng inilunsad nilang anti-smoking campaign kasabay ng komemorasyon ng Lung Cancer Awareness Month.
Ayon sa Department of Health (DoH) layon daw ng naturang programa na mahikayat ang publiko na panatilihing malinis ang hangin at magkaroon ng mas ligtas na hangin na malalanghap.
Ito ay sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo sa mga pampublikong lugar gaya ng Dolomite Beach.
Una rito, paulit-ulit ang paalala ng Department of Healh na ang paninigarilyo at a ng secondhand smoke ay isa sa mgarisk factors na posibleng magpalala sa pagkakaroon ng lung cancer.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang lung cancer ang dahilan ng pinakamaraming namatay sa kumpara sa ibang mga sakit noong taong 2020.
Nasa 1.80 million ang namamatay sa buong mundo dahil na rin sa lung cancer na nakukuha sa pamamagitan ng paninigarilyo.
Ang lung cancer ay pangalawa rin sa most common cancer noong 2020 kasunod ng breast cancer na mayroong 2.21 million na bagong kaso na na-detect.
Nagsagawa naman ang Department of Health kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang concerned agencies ng Zumba activity sa Dolomite Beach bilang bahagi ng anti-smoking campaign at pinasinayaan ang “No Smoking” signs sa area.
Noongbuwan ng Mayo, inilunsad din ang kampanya para sa smoke-free beaches, parks at tourist destinations na bahagi ng selebrasyon ng World No Tobacco Day.