Tinaya ng Department of Health (DOH) na posibleng makapag-record ang
National Capital Region (NCR) ng aabot sa 1,000 hanggang sa 5,000 kaso ng COVID-19 kada araw sa pagsapit ng buwan ng Oktubre.
Nagbabala ang DOH na ang naturang pagtaya ay kung mananatiling mababa ang bilang ng mga sumasailalim sa boosters shots at ang vaccination sa mga senior citizen.
Nilinaw ni DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire na ang kanilang mga projections ay nakabatay sa scientific assumptions at pwede rin namang magbago depende sa pagpapaibayo sa booster shots at sa compliance ng publiko sa minimum health protocols.
Liban nito nandiyan din daw ang pagdami ng mga tao na lumalabas dahil sa pagluluwag kaya maaring mangyari ang mga nahahawa sa pagitan ng 1,259 hanggang 5,375 na mga kaso na tatamaan ng virus bawat araw.
Kung magsimula umano ito sa Oktubre, maaring magtuloy tuloy na.
Sa kabila nito inulat din naman ng DOH na ang healthcare utilization rate sa bansa ay nanatli pa rin sa “low risk.”
Gayunman meron daw silang nakikitang medyo may pagtaas sa BARMM area para sa ICU utilization.
meron daw kasing 11 mga pasyente na nasa severe at critical na naka-admit sa kanilang hospitals.
Samantala, nitong nakalipas na araw nasa 72.2 million na ang mga Pilipino na ang mga fully vaccinated.
Sa naturang bilang ang halos 6.8 million ay mga senior citizens, halos 9.9 million ang mga teenager at nasa 4.8 million naman ang mga bata na nabakunahan na laban sa COVID-19.