-- Advertisements --

DOH office

Nakatakda raw irekomenda ng Department of Health (DoH) ang pagpapalawig sa state of calamity para sa Coronavirus disease 2019 sa susunod na taon.

Ito ay kapag ibinasura ng Kongreso ang panukala kaugnay ng public health emergency.

Ayon kay DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hihimukin nito ang Office of the President na palawigin ulit ang state of calamity na magtatapos na sa December 31.

Maliban sa panukalang pagpapalawig sa state of calamity ay puwede rin umanong maghain ng panukalang batas na kaunti lang ang nakalaman at specific lang sa mga requirements.

Hinimok na rin ng DoH ang mga mambabatas na ipasa ang Public Health Emergency for Emerging and Reemerging Disease Bill at ang isang measure na mag-e-establish sa Philippine Center for Disease Prevention and Control.

Bahagi raw ng naturang bill na kahit na walang state of calamity declaration o public health emergency declaration ay puwede pa ring ituloy ang pagpapatupad ng vaccination program.

Noong March 2020 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng state of public health emergency sa bansa dahil sa coronavirus outbreak.

Noong September ngayong taon isang buwan bago umupo sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay pinalawig nito ang state of calamity sa buong kapuluan hanggang sa katapusan ng buwan.