-- Advertisements --
Inamin ng Department of Health (DOH) na hirap sila sa pagkuha ng swab samples na isasalang sa genome sequencing.
Ginagawa ang genome sequencing para matukoy kung among variant ng Covid-19 ang nakakapasol sa bansa.
Ngunit, inihayag ng kagawaran na naging problema nila ay ang transportasyon ng mga sample.
May mga lugar sa bansa na hindi regular ang biyahe ng eroplano gaya ng nangyari sa Mindanao.
Dahil dito, nakikipag-ugnayan na umano ang ahensiya sa ilang counterparts sa Mindanao para regular na silang magpadala ng samples sa Philippine Genome Center.