-- Advertisements --
image 154

Idineklara ngayon ng Department of Environment and Natural Resources has ang paghuhukay sa New Bilibid Prison (NBP) na illegal quarrying.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, nakatakda na silang magsampa ng kaso laban sa mga responsable rito.

Sinabi ni Catapang na magsusumite na ito ng final report kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang aktibidad ay illegal quarrying at maghahain sila ng mga reklamo laban sa mga sangkot dito.

May mga umamin naman umanong hinukay nila ang naturang lugar at kilala raw nila kung kanino nila ifa-file ang kaso.

Una nang pinanindigan ni suspended BuCor chief Gerald Bantag had na ang paghuhukay sa NBP compound ay para sa scuba diving pool na pinondohan ng Agua Tierra Oro Mina Development (ATOM) Corporation.

Sinabi naman ni ATOM president Virgilio Bote na nag-withdraw na ito sa naturang deal na pinasok nila noong panahon ng panunungkulan ni Bantag.

Posible naman umanong masampahan ng reklamo si Bantag dahil sa paghuhukay sa compound ng NBP.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remlla na personal na sinabi sa kanya nk Bantag na hinuhukay ang area dahil sa Yamashita treasure.