-- Advertisements --
DOE Department of Energy

Kumpiyansa ang Department of Energy (DOE) na mayroong sapat na suplay ng kuryente sa darating na summer sa susunod na taon.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William “Wimpy” Fuentebella na tila malabong magkaroon ng power outages sa 2023 subalit sa kabila nito hindi naman nagpapakampante ang opisyal at tiniyak na kanilang mapapangasiwaan ng maayos ang anumang scenario may kinalaman sa suplay ng kuryente.

Ipinunto pa ng DOE official na ang dahilan ng pagkawal ng suplay ng kuryente ay ang transmission o problema sa distribusyon at hindi ang kakulangan ng suplay.

Saad pa ng opisyal na madalas ang ikalawang quarter ng taon ang pinaka-kritikal sa energy sector kapag peak ng summer o tag-init kung saan inilalagay sa yellow at red alert status ang grid depende sa scenario.

Idinideklara ang yellow alert status kapag ang reserbang kuryente ng power grid ay mas mababa sa kinakailangang habang itinataas naman sa red alert kapag ang demand sa kuryente ay sumobra sa available supply.