Nasa proseso ng pagbabago ang Department of Energy sa mga alituntunin sa Green Energy Auction Program (GEAP) o ang patakaran sa pag-bid ng renewable energy (RE) capacities na igagawad sa mga mamumuhunan na may kaukulang pangmatagalang kasunduan sa supply ng kuryente.
Ayon kay Director Michael O. Sinocruz ng Energy Policy and Planning Bureau (EPPB) ng Department of Energy, ang layunin ng pagsusuri sa patakaran ay pahusayin ang mga tuntuning itinakda para sa Renewable Energy capacity upang mapukaw nito ang mas malaking partisipasyon mula sa mga mamumuhunan.
Aniya, kailangan pagbutihin ang mga patakaran mula sa nakaraang Green Energy Auction Program bagama’t sinabi niya na hindi pa maaaring ibunyag ng departamento ang mga partikular na parameter na dapat baguhin sa green capacity auctioning framework.
Ang unang nasabing programa na pinangangasiwaan ng Department of Energy ay noong Hunyo 2022 sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Sa kasalukuyan, may mga tanong at alalahanin na itinataas sa umiiral na mga panuntunan ng Green Energy Auction Program – kabilang ang mga limitasyon na ipinapatupad sa bawat teknolohiya.
Sa mga presyo ng green energy auction reserve (GEAR) na inaprubahan ng Energy Regulation Commission (ERC) para sa mga alok na kapasidad ng Renewable Energy, ipinahiwatig din na hindi ito nakakuha ng mga kamakailang pag-unlad sa pagtaas ng interest, at samakatuwid, naglalarawan umano ito ng malubhang implikasyon sa pag-access ng mga developer sa pagpopondo ng naturang proyekto.