Hindi na igigiit pa ng Department of Energy (DOE) ang apela nito na magkaroon ng kapangyarihang suspindihin ang excise tax sa gasolina.
Ayon kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau naging decision ng Department of Finance (DOF) na sila lang ang mga magsalita at magdesisyon sa lahat ng usapin na finance matter gaya ng tax.
Aniya, hindi muna sila nag-insist dahil sa naging policy direction.
Magugunitang noong Oktubre 2021, humiling ang DOE sa Kongreso ng awtoridad na suspindihin ang excise tax sa gasolina dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa panahong iyon.
Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na tinatalakay nila sa DOF ang “posibilidad na suspindihin ang excise tax pansamantala dahil kailangan nito ng bagong batas.
Noong Hulyo ng taong ito naman, naghain sina Senador Grace Poe at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ng mga panukalang batas na naglalayong suspindihin ang buwis sa gasolina.
Ayon sa kanya, ang mga available na opsyon para makontrol ang presyo ng petrolyo ay sa pamamagitan ng mga cost component nito tulad ng import cost (60%), buwis (20%), oil company take (17%) at biofuel (3 hanggang 4%).