Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pinagbabawalan ang mga guro na gumamit ng social media.
Ginawa ni DepEd spokesman Atty. Michael Poa ang naturang paglilinaw sa gitn ang kontrobersiya na naglutangan sa inilabas na Department Order No. 49.
Ayon kay Atty. Poa na sa naturang department order ang mga guro ay hinihimok na iwasang ifollow ang kanilang mga estudyante at panatilihin ang proffessionalism.
Sinabi din ng DepEd official sa pakikipagpulong kasama ang mga opisyal ng DepEd sa Tacloban na magkaroon ng puwang sa pagitan ng mga guro at mga magaaral dahil sa oras na maoverboard ito ay magrersulta ito ng maraming problema.
Una rito, sa ilalim ng Department Order No. 49, ang mga DepEd personnel ay dapat na iwasang magkaroon ng relasyon, interaction, komunikasyon kabilang ang pag-follow sa social media sa mga mag-aaaral sa labas ng school setting maliban kung sila ay magkamag-anak.
Ipinaliwanag din ni VP at education Sec Sara Duterte na layunin lamang ng naturang department order na maiwasan ang biases sa parte ng mga guro at maiwasan din ang criminal incidents na mangyari.
Sinabi din ni atty. Poa na sa nakalipas na sexual abuses incidents sangkot ang mga guro at mag-aaral ay ginamit ang private messages bilang ebidensiya.
At ito ang nais ng ahensiya na maiwasang mangyari.
Sa kabilang banda, sinabi din ni Poa na maaaring maging friends pa rin sa social media at gumawa ng group chats subalit kailangang striktong matalakay muna ang scool-related matters.