Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal ang pagtanggal ng pagtuturo ng mother tongue o sariling dialect bilang asignatura.
Ito ay dahil kasalukuyang nakabinbin pa ang paglalabas ng final curriculum para sa Kinder to Grade 10 (K-10) program.
Ginawa ni DepEd spokesperson Michael Poa ang naturang pahayag kasunod ng naunang pahayag ni Education Undersecretary Epimaco Densing III sa planong pagtanggal ng 50 minutes Mother tongue subject para sa Grade 1 hanggang Grade 3 para ma-decongest ang kasalukuyang curriculum ng mga estudyante.
Paliwang ni Usec. Densing na hindi na kailangan ng Mother tongue subject dahil ito ang pang-araw-araw na ginagamit ng mga mag-aaral na dialect sa eskwelahan, sa komunidad at sa pakikipagusap sa kanilang pamilya. Sa halip ay dapat na ilaan na lamang ang oras sa pagtuturo ng asignaturang mother tongue sa reading at national math programs.
Subalit, ayon kay Poa na kasalukuyang nasa proseso ang DepEd ng pagkonsulta sa stakeholders, sa academe at iba pang government agencies kaugnay sa pag-review ng K-10 curriculum.