-- Advertisements --

Nakahanda ang mga eskwelahan na nasa ilalim ng Department of Education (DepED) para sa full implementation ng face to face classes na nakatakdang manumbalik sa Nobiyembre.

Ayon kay Vice President and Education Secretary Sara Duterte na simula pa lamang ng pagbubukas ng klase para sa school year 2022-2023 noong Agosto ay pinaghahandaan na ng kagawaran ang pagpapatupad ng limang araw na in-person classes.

Paliwanag ng kalihim ng education department na marami ng mga pampublikong paaralan ang pinayagan na magpatupad ng iba’t ibang learning options mula August hanggang November 2 kabilang dito ang limang araw na in-person classes, blended learning, o full distance learning.

Subalit, posibleng may mga public schools pa rin ang papayagan na magpatuloy sa blended o distance learning na subject sa approval ng mga regional directors at inihahanda na ang DepEd ang karagdagng memorandum para dito.

Sa private schools naman ay papayagan pa rin sila na magsagawa ng blended learning, online classes, at 5-days in-person classes upang mabawi ang kanilang pamumuhunan mula sa kanilang ginagamit na online technologies dahil bumili sila ng napakaraming online resources.

Binigyang diin din ng Education Secretary na ang in-person learning pa rin ang pinakamahusay na paraan para sa basic education.