-- Advertisements --

Nagpasaklolo ang Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Interior and Local Government (DILG) at National Bureau of Investigation (NBI) para madakip ang fraudsters na nagpapanggap na kawani ng kanilang tanggapan.

Ito ay kasunod ng napaulat na ilang unscrupulous individuals ang sangkot sa solicitation schemes tinatarget ang mga local government officials na nagpanggap na personnel ng DBM.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hiniling na rin nila sa DILG na abisuhan ang mga local government units dahil target ng mga ito ang mga lokal na ehekutibo na nagpapakita umano ng pekeng request letters para lagdaan at manghingi ng pera para sa paglalabas ng pondo para sa mga proyekto.

Samantala, tinap naman ang NBI para i-track down at imbestigahan ang mga fraudsters at panagutin ang mga ito.

Kaugnay nito, nananawagan ang DBM sa publiko na makipagtransaksyon lamang sa mga official channels ng DBM at tiniyak na gagawin nila ang lahat para matukoy, maaresto at masampahan ng kaso ang mga indibdiwal na nasa likod ng iligal na gawain.