-- Advertisements --

Nais ng Department of Budget and Management (DBM) at ng World Bank na magtulungan para amyendahan ang procurement law ng Pilipinas.

Ito ay nabuo matapos na talakayin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, na kasalukuyang nasa Washington DC, noong Huwebes kasama ng mga opisyal ng World Bank ang plano ng administrasyong Marcos na ipasok ang mga reporma sa Republic Act (RA) 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Ang inisyatiba na ito ay naaayon sa agenda ni Secretary Pangandaman na i-maximize ang paggamit ng digitalization upang matiyak ang transparency at makatipid sa proseso ng public procurement.

Binigyang-diin ni Pangandaman ang kahalagahan ng pagpapakilala ng mga amendments sa RA 9184, na ipinasa noong 2003, upang “isulong ang kahusayan at pagpapanatili” sa proseso ng pagkuha at “i-professionalize ang mga procurement practitioner.”

Umasa si Pangandaman na maging katuwang ang World Bank ng gobyerno ng Pilipinas sa naturang gawain.