-- Advertisements --

agriculture

Hinimok ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mga farmer beneficiaries na samantalahin ang kanilang alok na fertilizer vouchers sa mga magsasaka para mataas pa ang kanilang rice production.

Base sa Memorandum Order (MO) No. 65 series of 2022 ng DA, magbibigay daw ang mga ito ng fertilizer vouchers na magagamit ng mga farmer-beneficiaries para sa urea fertilizers nang maibsan ang potential impacts ng under-application ng urea.

Ang paggamit ng fertilizer vouchers ay isang alternatibo sa mga magsasaka kaysa bumili ng sapat na volume ng urea na inirerekomenda sa kanilang lugar.

Ang memo ay pirmado ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Ang mga kuwalipikadong benepisaryo para sa naturang programa ay ang mga rice farmers na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), ang mga naka-encode sa Farmers and Fisherfolk Registry System (FFRS) at ang mga magtatanim ng palay sa 2022-2023 dry cropping season.

Prayoridad din sa naturang voucher ang mga magsasakang nasa dalawang ektarya pababa ang kanilang sakahan.

Nag-ugat ang MO No. 65 sa amendment ng implementing guidelines ng fertilizer discount voucher project ng National Rice Program.

Sakop din umano ng proyekto ang beneficiary-farmers sa mga rehiyon ang pagtatanim ng inbred at hybrid rice seeds maliban sa National Capital Region (NCR) at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Layon naman ng naturang proyekto para sa 2022-2023 dry cropping season ang mabigyan ng pagkakataon ang mga rice farmers na mapunan ang requirement para sa urea fertilizer para sa kanilang rice production.

Gayun na rin para maibsan ang epekto ng inaasahang pagbaba ng produksiyon dahil sa mababa ring paggamit ng urea fertilizer at maabot ang kanilang target na aning 4.22 metric tons per hectare ng palay para sa 2023.

Kasama na rin dito ang pag-stabilize sa rice supply situation sa bansa sa kabila ng mga pagsubok sa presyo ng commercial fertilizers.

Ang mga beneficiaries ay gagamit ng one-time fertilizer vouchers para makakuha ng urea fertilizers sa kanilang gustong DA-accredited dealers, distributors at outlets.

Ang urea fertilizers ay dapat na rehistrado sa ilalim ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).

Dapat ding ma-compute ang discount voucher value base sa kanilang rice farm area.

Samantala, para naman sa 2022 wet season cropping, ang fertilizer vouchers ay dapat gamitin ng mga farmer-beneficiaries para makuha ang kanilang inorganic fertilizers, organic fertilizers, foliar fertilizers, biological fertilizers o biological stimulants sa accredited merchants.

Ito ay dapat ding rehistrado sa ilalim ng FPA o Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS).

Ang discount voucher ay may halagang katumbas ng P1,131 kada ektarya.