send Off 2
Send Off

CENTRAL MINDANAO-Positibo ang naging tugon ng mga mamimili ng mangga sa bansang Paris France,United Arab Emirates at Dubai mula sa Pilipinas.

Matamis at iba ang lasa ng mangga mula sa Sacdalan Mango Farms sa Midsayap North Cotabato.

Ayon kay DA-12 Agribusiness and Marketing Assistance Division

(AMAD) Director Mike Intao na good quality at pang-export ang kalidad ng mangga mula sa probinsya ng Cotabato kaya pumasa ito sa panglasa ng mga dayuhan.

Bago lang ay isinagawa ang Ceremonial Send Off of Fresh Mango sa General Santos City International Airport patungong bansang France,Dubai at UAE.

-- Advertisement --

Aasahan na umano na linggo-linggo ay tone-toneladang mangga ang I-export sa tatlong bansa at posibling madagdagan pa.

Nagpasalamat naman si dating Cotabato Ist District Board Member Rolly Sacdalan sa mga bumubuo ng Sacdalan Mango Farms at Ur D Man Production Team Mango Supervisor Jerry Yambao,Kristel Ann Lachica Bautista at Dra Evelyn Saldivar na pumatok sa panglasa ng mga pinoy at mga dayuhan ang de-kalidad na mangga sa bayan ng Libungan,Midsayap at Aleosan Cotabato.

Nais din ni Sacdalan na tumulong sa mga magsasaka na nagtatanim ng mangga sa probinsya ng Cotabato na makapag-loan sa Land Bank sa tulong ng Department of Agriculture o DA-12.