-- Advertisements --
Binigyang diin ni Environment Secretary Antonia Loyzaga ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor laban sa plastic pollution.
Ayon kay Sec. Loyzaga, hindi sapat na pamahalaan lamang ang gagalaw para masolusyunan ang problema ng bansa ukol sa solid waste management.
Ayon sa kalihim, dapat matugunan ang problema ukol dito sa pamamagitan ng whole-of-society and whole-of-government effort.
Hinikayat din ng kalihim ang publiko na makipagtulungan sa pamahalaan, sa pamamagitan ng mga simpleng paraan ng paglilinis sa kapaligiran.
Maliban sa publiko, hinikayat din ng kalihim ang mga malalaking kumpanya sa bansa, na pangunahan ang paglilinis at maging responsable, lalo na sa pagkalat ng kanilang mga produkto sa ibat ibang bahagi ng kapaligiran.