-- Advertisements --
AQM web

Mangangailangan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng P300 million para ma-upgrade ang 33 air monitoring stations nito sa buong Metro Manila.

Ang pag-upgrade ay upang makapagbigay ang mga monitoring stations ng maayos at akmang readings, lalo na sa gitna ng smog na panaka-naka ay bumabalot sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Environment Assistant Secretary Gilbert Gonzales na ito ay proposal ng ahensiya at magtatagal mula 2024 hanggang 2028.

Sa kasalukuyan kasi aniya, nagawa na nilang ayusin ang ilan sa mga monitoring stations ng DENR sa kamaynilaan ngunit marami pa ang naghihintay na maayos.

Kailangan aniya na mamonitor ang kondisyon ng mga hangin sa kamaynilaan dahil maraming beses nang naitala ang ilang ‘unhealthy conditions’ dito, at ilang lugar ang natukoy na sa mga nakalipas na buwan.