-- Advertisements --

Inabisuhan na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang lahat ng mga vessels na bawal nang maglayag sa shoreline ng Manila Bay sa layong dalawang kilometro.

Kasunod na rin ito ng namataang liquid waste sa Manila Bay malapit sa Manila Yacht Club na patuloy pa ring iniimbestigahan ng Philippine Coast Guard (PCG)).

Pero ayon kay Cimatu, hindi naman daw kasali rito ang mga cargo vessels.

Ang hakbang na ito ng DENR ay para mapigilan ang polusyon sa marine life.

Nagbabala si Cimatu na ang lahat ng mga vessels na lalagpas sa 2-kilometer periphery ay otomatikong mamumultahan.

Ang mga vessels lang daw na nagde-deliver ng buhangin ang pinapayagang dumaong sa shoreline.

Ayon sa DENR sa ngayon nasa 500 meters hanggang isang kilometro ng Manila Bay waters ang nag-iba na ang kulay ng tubig matapos daw nag-discharge ang isang vessel ng kanilang used water mula sa kanilang cooling system.

Isinailalim na rin sa pagsusuri ang water samples para malaman kung mayroong pollution-causing components sa discharged wastewater.

Una rito, sinabi ni Marine Environmental Protection Group (MEPGRP)-Manila at ng PCG Sub-Station CCP, ang suspected vessel na MV Sarangani umano galing ang luquid waste.

Sa ocular inspection, natuklasan PCG na ang pinagmulan ng liquid waste ay ang cooling system ng MV Sarangani.

Nakakolekta na rin ng samples ang team at nag isyu na ito ng Inspection Apprehension Report (IAR) sa may-ari ng MV Sarangani na si Emil Neri.

Partikular na nilalaman ng report ang paglabag nito sa PCG Memorandum Circular Number 01-2005 Paragraph 4 ng marine pollution.