-- Advertisements --

Inihahanda na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kautusan nito sa mga regional offices para masuri ang coliform level ng mga ilog at iba pang anyong tubig sa kanilang mga sakop na lugar.

Ito’y kasunod ng pagkaka-diskubre ng poliovirus sa sewage at waterways ng Tondo, Maynila at Davao City kamakailan.

Ayon kay Environment Usec. Benny Antiporda, makikipag-ugnayan ang ahensya sa Department of Health para matukoy kung ano pang mga anyong tubig sa bansa ang may mataas na fecal coliform o maduming substance.

Una ng sinabi ng DOH na nakukuha ang sakit na polio sa pagkain, tubig at gamit na kontaminado ng dumi ng isang taong may polio.