-- Advertisements --
Dadagdagan na ng Denmark ang kanilang paggawa ng mga natural gas sa North Sea para mabawasan ang kanilang pagdepende sa Russian energy.
Sinabi ni Danish Prime Minister Mette Frederiksen na matagal na nila itong plano para huwag umasa sa supplies mula sa Russia.
Bagamat mayroong bahagyang pagtaas ay tiniyak ng Denmark na kanilang itutuloy pa rin ang planong pagtatapos ng North Sea oil and gas production pagdating ng 2050.
Patuloy din ang panghihikayat ng France sa mga European partners nila na tumigil na sa pag-imports ng mga Russian oil subalit nagdadalawang isip ang iba pa.