Aminado ang Department of Health (DOH) na banta sa health system capacity ng bansa ang mga sakit tulad ng dengue, na inaasahan sa pagdating ng panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, itinuturing na permanent risk ang dengue dahil sa klima ng bansa.
“The risk from dengue is a permanent one, because as we all know the climate of the Philippines makes it vulnerable to outbreaks of dengue.”
“Thankfully, the data that we have today shows 30-percent decline of dengue cases, except for other areas.”
Pero hindi raw papabayaan ng kagawaran ang banta ng dengue kahit may hinaharap na COVID-19 crisis ang Pilipinas.
“The confluence of the rainy season and expected rise of dengue cases will certainly pose a burden to the health systems capacity.”
“Dahil mayroon tayong COVID-19 na inaatupag, siyempre hindi natin pwedeng pabayaan naman ang mga non-COVID infectious diseases tulad ng dengue, polio, measles.”
“Binabantayan ito ng ating mga surveillance officers at ang mga hakbang ay nakalatag na kung papaano tutugan kung saka-sakaling magkakaroon ng pagtaas ng kaso ng dengue at iba pang mga infectious diseases.”
Nilinaw naman ni Sec. Duque na wala pang scientific data tungkol sa impeksyon ng dengue at coronavirus.
Ang malinaw lang daw sa ngayon ay ang dulot din na komplikasyon ng dengue sa baga ng infected tao.
Posible raw kasing palalain nito ang lagay ng isang COVID-19 patient, dahil baga rin ang inaatake ng virus na nagdudulot ng coronavirus.