-- Advertisements --

Nanindihan ang ilang miyembro ng Makabayan bloc na walang dapat sisihin sa paglala ng dengue sa banas kundi ang pamahalaan.

Sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na matindi ang kapabayaan ng gobyerno sa nararanasang epidemya ng dengue sa buong bansa.

Bukod kasi sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-dengue, tila napabayaan din umano ang mga kasong isinampa laban sa mga nasa likod nang implementasyon ng Dengvaxia vaccines.

Iginiit ni Brosas na nagmamalinis ang Malacanang dahil sa naging kapabayaan nito.

Kaya rin siguro ikinokonsidera ng palasyo na ibalik ang paggamit ng anti-dengue vaccines na Dengvaxia.