KORONADAL CITY – Nagsagawa ng dengue information ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng South Cotabato kasabay ng Bombo Medico 2019.
Pinangunahan mismo ito ni Jo Baroquillo, ng South Cotabato IPHO, matapos ang tumataas na bilang ng mga apektado ng dengue sa buong probinsya.
Maliban dito, namahagi din ng 50 libreng mosquito nets ang IPHO para makatulong upang masupil ang dengue.
Maaaring tumagal ng halos tatlong taon ang nasabing mosquito nets na kayang pumatay sa lamok dahil ito ay may insecticide.
Kaugnay nito, nagpa-abot din ng pasasalamat si Baroquillo sa Bombo Radyo sa pagdaraos ng Bombo Medico 2019 na labis na nakakatulong sa mga residente sa buong probinsya.
Matatandaang nasa 2 bayan na sa probinsya ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa dengue at nasa 3,020 na ang apektado ng dengue sa probinsya.