-- Advertisements --

Gumawa ng ingay online ang “Heart Attack” performance ni Demi Lovato sa isang cardiovascular disease awareness event sa New York matapos sabihin ng ilang netizens na hindi akma sa event ang napiling kanta ng singer.

Halo ang naging reaksyon ng ilang netizens sa mga kumakalat na video clip ngayon online, na nakakuha ng higit sa 15.4 milyong views sa kasalukuyan.

Isang representative ni Lovato ang nagpaliwanag na napili ng singer ang kantang “Heart Attack” dahil nais nitong ipaabot ang “mind-heart connection.”

Ang Heart Attack ay kabilang sa mga signature song ni Lovato. Sa Spotify, ang kanta ay mayroong mahigit 753,000,000 stream. Kabilang sa iba pa niyang hit ang “Cool for the Summer,” “Sorry Not Sorry,” at “Solo