-- Advertisements --

Demand ng Pilipinas sa poultry products, inaasahang lalo pang tataas ngayong taon
Loops: Poultry supply, imported poultry

Inaasahang lalo pang tataas ngayong taon ang demand ng Pilipinas sa mga poultry products.

Ito ay batay sa panibagong forecast ng United Nations Food and Agriculture Organization.

Ang pagtaas ng demand ay sa likod ng mababang supply ng mga karne ng manok sa ibat ibang bahagi ng mundo.

Ayon sa UN-FAO, posibleng papalo sa 15.6Million Metric Tons ang magiging demand ng bansa sa nalalabaning bahagi pa ng taon.

ito ay mas mataas kumpara sa naitala nitong nakalipas na taon na umabot lamang sa 15.3million metric tons.

Itinuturong dahilan dito ay ang tumataas na demand sa gitna ng aktibong mga food services sa bansa.

Maliban sa Pilipinas, inaasahan ding tataas ang demand sa karne ng manok sa iba pang mga bansa, katulad ng China, Saudi Arabia, Iraq, European Union, at South Africa. Maliban dito, bahagyang mataas din sa Canada, at democratic Republic of Congo.